Court Interpreters Complaints - Tagalog

Paghahain ng Reklamo sa Programa ng Mga Tagasalin ng Hukuman Tungkol sa isang Tagasalin ng Hukuman sa California

 

Puwede kang maghain ng reklamo tungkol sa partikular na tagasalin ng hukuman sa California kung naniniwala kang ang isang sertipikado o rehistradong tagasalin ay:

  • Lumabag sa Panuntunan ng Hukuman 2.890, ang Propesyunal na gawi para sa mga tagasalin
  • Hindi mahusay na nakapagsalin sa English at/o sa wikang isinasalin
  • Nakagawa ng mga pagkakamali o kumilos na labag sa etika

Para direktang maghain ng reklamo sa Judicial Council tungkol sa partikular na tagasalin ng hukuman, sundin ang mga tagubilin sa ibaba.

TANDAAN: Kung ang iyong reklamo ay tungkol sa hindi pagbibigay ng hukuman ng mga serbisyo ng tagasalin o mga pangkalahatang reklamo tungkol sa mga tauhan ng hukuman, mga opisyal sa bangko, o lokal na dokumento at pagsasalin na ibinigay ng isang hukuman, direktang ihain ang iyong reklamo sa pamamagitan ng pagsusumite ng Porma ng Reklamo sa Mga Serbisyo sa Akses sa Wika o sa pamamagitan ng pagbisita sa website ng hukuman para i-print out ang porma ng reklamo nito.

Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng iyong lokal na hukuman, pumunta sa pahinang Hanapin ang Aking Hukuman. Kung hindi mo mahanap ang porma ng reklamo sa mga serbisyo ng akses sa wika ng hukuman online, makipag-ugnayan sa: LAP@jud.ca.gov, at makikipag-ugnayan kami sa hukuman para tulungan kang maghanap ng naaangkop na impormasyon kung paano magsumite ng reklamo sa akses sa wika sa hukuman.

 

Court Interpreters Program
Judicial Council of California
455 Golden Gate Avenue
San Francisco, CA 94102

Tandaan: Kung nangyari ang ipinaparatang na paglabag ng isang tagasalin ng hukuman sa California sa isang lokasyon maliban sa hukuman ng estado (halimbawa, sa isang deposisyon, pagdinig sa imigrasyon, opisina ng abogado, pederal na hukuman), pakisumite ang porma ng reklamo nang direkta sa Programa ng Mga Tagasalin ng Hukuman ng Judicial Council sa credreview@jud.ca.gov.

Pag-abiso sa pagtanggap at mga susunod na hakbang: Kapag natanggap na, kikilalanin ng Programa ng Mga Tagasalin ng Hukuman ng Judicial Council ang pagtanggap sa iyong reklamo. Susuriin at tatasahin ang iyong reklamo, at pagkatapos ay aabisuhan ka sa loob ng apat na pu’t lima (45) araw tungkol sa pagkilos na dapat gawin.

Kung mayroon kang anumang tanong, makipag-ugnayan sa amin sa credreview@jud.ca.gov.

success alert banner:

Have a question about Language access?

Look for a "Chat Now" button in the right bottom corner of your screen. If you don’t see it, disable any pop-up/ad blockers on your browser.