Humiling ng interpreter

Kung hindi ka magaling na magsalita o hindi ka lubos na nakakaunawa sa English, maaaring kailangan mo ng interpreter sa hukuman para tulungan ka sa hukuman. Kahit na araw-araw kang nagsasalita sa English, maaaring maging napakahirap ng mga sitwasyon at pagsasalita sa hukuman. Makakatulong ang isang interpreter na tiyaking nakakaunawa ka nang mabuti at kaya mong makipag-ugnayan nang maayos.

 

Ano ang dapat malaman tungkol sa mga interpreter sa hukuman

  • Naglalaan ng Mga Interpreter sa Hukuman nang  libre
  • Kailangan mong humiling ng interpreter nang maaga
  • Hilingin sa hukuman na maglaan ng interpreter sa sandaling malaman mo na kailangan mong humarap sa hukuman

Kailangang sumunod ang mga interpreter sa hukuman sa mga partikular na panuntunan hinggil sa maaari nilang gawin at hindi nila maaaring gawin

  • Kailangan nilang isalin sa iyong wika ang sinasabi sa courtroom at kailangan nilang isalin sa English ang mga sinasabi mo

  • Kailangan nilang panatilihing kumpidensyal ang lahat ng pakikipag-ugnayan sa pagitan mo at ng abogado mo

  • Kailangan nilang ihayag ang anumang salungatan ng interes na maaaring mayroon sila sa iyong kaso

  • Hindi sila maaaring magbigay sa iyo ng legal na payo

Sa karaniwan, ang mga interpreter sa hukuman ay hindi maaaring magbigay ng mga serbisyo sa labas ng courtroom

Ang ilang hukuman ay may mga interpreter na available sa kanilang mga Self-Help Center na makakatulong sa pagsasalin sa labas ng courtroom. Maaari kang makipag-ugnayan sa Self-Help Center ng iyong hukuman para malaman kung available ito sa iyong hukuman.

Ang mga kwalipikadong interpreter sa hukuman lang ang maaaring magsalin sa mga paglilitis sa hukuman

Sa karaniwan, hindi ka pinapayagang magsama ng kaibigan o kamag-anak na nagsasalita sa English para magsilbing interpreter para sa iyo sa courtroom. Gayunpaman, kung mangangailangan ka ng tulong sa labas ng courtroom sa pagkuha ng impormasyon o pagsagot ng mga form, maaari kang humingi ng tulong mula sa isang kaibigan o kamag-anak na nagsasalita sa English

Paano humiling ng interpreter

  • Bisitahin ang page ng Access sa Wika ng website ng iyong hukuman

    Nag-iiba-iba ang pamamaraan para sa paghiling ng interpreter depende sa hukuman. Nakalista sa website ng iyong hukuman ang mga hakbang na iniaatas ng partikular na hukuman mo para humiling ng interpreter.  

    Narito ang ilang impormasyong dapat mong hanapin sa website ng iyong hukuman para maunawaan mo ang mga iniaatas ng iyong hukuman: 

    • Iniaatas ba ng hukuman ko ang pagbibigay ng maagang abiso para magkaroon ng interpreter? 

    • Ano ang form na ginagamit ng hukuman ko para sa paghiling ng interpreter? (Ginagamit ng karamihan ng mga hukuman ang Request for an Interpreter (Humiling ng Interpreter) (Sibil) (form INT-300) ngunit may ibang form na ginagamit ang iba pang hukuman.) 

    • Pinapayagan ba ng hukuman ko na  gawin  online o sa pamamagitan ng email ang paghiling ng interpreter? 

    Gamitin ang Hanapin ang Hukuman Ko para mabilis na ma-access ang impormasyon sa access sa wika ng iyong hukuman 
  • Sagutan ang form

    Kung ang iyong hukuman ay humihingi ng form para humiling ng interpreter, ang susunod mong hakbang ay kumpletuhin ang form. Available ang form sa maraming wika ngunit kailangan itong sagutan sa English.  Maraming hukuman ang gumagamit ng Humiling ng Interpreter (Sibil) (form INT-300).

    Para masagutan ang form, kailangan mong malaman ang: 

    • Iyong numero ng kaso 
    • Wikang kailangan mong ipasalin 
    • Ang petsa ng iyong susunod na pagdinig
  • Isumite sa hukuman ang iyong kahilingan

    Pagkatapos mong sagutan ang form sa English, isauli ito sa Tanggapan ng Coordinator ng Interpreter.

  • Kumpirmahing natanggap ng hukuman ang iyong kahilingan

    Makipag-ugnayan sa coordinator ng interpreter o sa kinatawan ng access sa wika sa iyong hukuman sa pamamagitan ng telepono o email para makumpirmang natanggap at inaprubahan nila ang iyong kahilingan. Ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa mga tauhang ito ay makikita sa web page ng access sa wika ng iyong hukuman.

Mga tip para sa pakikipagtulungan sa iyong interpreter sa hukuman

  • Kung hindi mo marinig o maunawaan ang interpreter, ipaalam kaagad ito sa hukom 

  • Magsalita nang malakas at malinaw, sa normal na bilis o nang medyo mabagal 

  • Magsalita lang sa iyong wika  

  • Makinig lang sa interpreter  

  • Direktang makipag-usap sa taong nagtatanong, hindi sa interpreter

Kung ang hukuman ay maglalaan para sa iyo ng interpreter sa hukuman at magkaroon ng problema

 Maaari kang maghain ng reklamo sa hukuman o sa Konseho ng Hukuman.

success alert banner:

Have a question about Language access?

Look for a "Chat Now" button in the right bottom corner of your screen. If you don’t see it, disable any pop-up/ad blockers on your browser.